dzme1530.ph

PCG, naka-heightened alert para sa nalalapit na balik-eskwela

Itinaas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa heightened alert status ang lahat ng coast guard district stations at sub stations sa bansa simula ngayong araw, Agosto 22 hanggang Setyembre 1, 2023.

Ito ay base na rin sa kautusan ni PCG commandant CG Admiral Artemio Abu para sa Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela 2023 ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Abu, ito ay para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero, gayundin ang maayos, komportable at matiwasay na biyahe sa mga pantalan.

Katuwang ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA), sinisiguro ng PCG na maibibigay ang pangangailangan ng mga mananakay sa pamamagitan ng DOTr Malasakit Help Desk na matatagpuan sa mga port passenger terminal.

Binabantayan ng PCG ang pagdagsa ng mga pasahero at operasyon ng mga sasakyang pandagat, habang mas mahigpit naman ang pag-i-inspeksyon ng mga Coast Guard Sea Marshall sa mga pampasaherong barko.

Asahan din ang karagdagang deployment ng mga Coast Guard K9 unit sa malalawak na pantalan upang maiwasan ang anumang iligal na aktibidad na mag-ko-kompriso sa seguridad ng mga pasahero. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author