dzme1530.ph

PCG, naka-heightened alert na para sa Semana Santa

Magpapatupad na ng heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) simula ngayong Biyernes, para sa Semana Santa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo na simula bukas ay inaasahang magsisimula nang dumagsa ang mga magsisi-uwian sa mga probinsya.

Kaugnay dito, ide-deploy ng PCG ang animnapung porsyento ng kanilang pwersa para sa Holy Week.

ipakakalat sila sa mga pantalan kasabay ng paghihigpit sa pag-iinspeksyon, at hindi papayagan ang mga mapaminsalang bagay na maaaring magdulot ng sunog.

Ide-deploy din ang sea marshalls sa mga barko kaakibat ng pagtitiyak na walang magiging overloading ng mga pasahero.

Ia-antabay din ang rescue units para sa mga mangangailangan ng saklolo sa karagatan.

About The Author