![]()
Matagumpay na naharang ng Philippine Coast Guard ang pag-usad ng China Coast Guard vessel sa bahagi ng karagatan ng Zambales gamit ang BRP Cabra na matatag na nakaposisyon sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela, ito ay isa na namang “illegal incursion” ng mga dayuhang barko sa Philippine sovereign waters.
Kinilala ang mga barko ng China bilang CCG-21562, habang mino-monitor din ng radar ang dalawa pang CCG vessels, ang CCG-3305 at CCG-4305.
Iginiit ng PCG na lantaran nilalabag ng mga barkong Tsino ang Philippine Maritime Zones Act, ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at ang 2016 Arbitral Award na nagpawalang-bisa sa pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
