Pormal na humingi ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Estados Unidos para sa paglilinis ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na nagpasaklolo sila sa US dahil mas may karanasan at kaalaman ito sa pagtugon sa naturang problema.
Ginawa aniya nila ang kahilingan sa pamamagitan ng sulat.
Idinagdag ni Abu na ang kailangan nila ay equipment, gaya ng remote operated vehicles dahil natukoy na ang lokasyon ng lumubog na oil tanker.
Bagaman mayroon aniya ang PCG ng nabanggit na vehicle ay hindi naman maaring makapag-dive ang mga ito sa lalim na 400 meters.
Sinabi pa ng Coast Guard Chief na maraming mga bansa ang nag-alok ng tulong upang ma-contain ang oil spill.