dzme1530.ph

PCG, nagpadala ng aircraft para tapatan ang Chinese research vessel malapit sa Batanes

Loading

Nag-deploy muli ang Philippine Coast Guard (PCG) ng aircraft para bantayan at tapatan ang isang Chinese research vessel malapit sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, naispatan ang Zhong Shan Da Xue, 78.21 nautical miles northeast ng Itbayat.

Ilang ulit niradyuhan ng crew ng PCG Islander ang barko ng Tsina subalit wala silang natanggap na tugon.

Idinagdag ni Tarriela na binigyang diin ng PCG Aviators sa kanilang radio challenge na walang otoridad ang Chinese vessel na magsagawa ng marine scientific research sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

April 7 nang magpadala rin ang PCG ng eroplano para tapatan ang Chinese research vessel.

About The Author