dzme1530.ph

PCG, naghatid ng tulong sa evacuees sa Surigao del Norte

Loading

Nagpaabot ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa Surigao del Norte mula kahapon hanggang ngayon.

Sa pamamagitan ng Coast Guard District Northeastern Mindanao (CGDNEM) at Coast Guard Station Surigao del Norte (CGS-SDN), nagbigay ang PCG ng mobility at manpower assistance sa City Government of Surigao para sa transportasyon at pamamahagi ng bottled water sa mga evacuation centers.

Bukod sa water distribution, tumulong din ang mga tauhan ng PCG sa pagre-repack ng relief goods upang mas mabilis maipamahagi ang mga pangunahing pangangailangan sa mga apektadong residente.

Ipinahayag ng PCG ang kanilang pakikiisa at suporta sa lokal na pamahalaan at sa lahat ng Surigaonon na patuloy na bumabangon mula sa sakuna.

About The Author