![]()
Nagdala ng bagong pag-asa ang Philippine Coast Guard sa mga biktima ng lindol sa Bogo City, Cebu matapos makapaghatid ng dalawang portable water desalinator na kayang gumawa ng hanggang 20,000 litro ng malinis na inuming tubig kada araw, kapalit ng nasirang water pipeline sa lungsod.
Kasabay nito, dumating rin mula Maynila ang anim na K9 units ng PCG sakay ng C-130 aircraft para palakasin ang search, rescue, at retrieval operations.
Tumutulak na rin patungong Cebu ang BRP Gabriela Silang na may dalang 3,000 family food packs at 2,000 evacuation supply kits mula sa PCSO.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, patuloy ang Coast Guard sa pagbibigay ng mabilis na serbisyo para sa agarang pagbangon ng mga pamilyang Cebuano.

