dzme1530.ph

PCG, nag-deploy ng isa pang barko para bantayan ang China Coast Guard sa Zambales

Loading

Nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng isa pang barko para i-monitor ang presensya ng China Coast Guard vessel malapit sa baybayin ng Zambales.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, nagpa-patrolya ang BRP Bagacay sa bisinidad ng Bajo de Masinloc at para bantayan ang isa pang CCG vessel na magtatangkang lumapit sa dalampasigan ng Zambales.

Noong weekend, sinabi ni Tarriela na isang barko ng CCG ang namataan 5 to 18 nautical miles mula sa Palauig Point mula sa baybayin ng Zambales na nasa loob ng exclusive economic zone.

Gayunman, lumayo na aniya ang barko ng Tsina mula sa Zambales.

 

 

About The Author