Nagsagawa ng ‘Mass for Peace’ ang Philippine Coast Guard (PCG) para ipanalangin ang kapayapaan sa West Philippine Sea sa Antipolo Cathedral nitong Biyernes, Hulyo 5.
๐๐๐๐: ๐๐จ๐๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ ๐๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ก๐๐ฉ๐ฅ๐๐ข๐ง ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ will lead a Eucharistic Celebration of the Holy Mass for Peace at the…
Posted by Coast Guard Ecumenical Chaplain Service onย Tuesday, July 2, 2024
Ang ‘Mass of Peace’ ay pinangunahan ng Coast Guard Ecumenical Chaplain Service na may temang “In prayer, we find strength for our Waters” kung saan dinaluhan ng iba’t-ibang kawani at opisyal ng PCG.
๐๐๐: Supplication Mass for Peace is being held at the ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ซ ๐๐๐๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐จ๐ ๐๐จ๐ฒ๐๐ ๐,…
Posted by Coast Guard Ecumenical Chaplain Service onย Thursday, July 4, 2024
Kasabay nito ay iginawad ng Antipolo Cathedral sa PCG ang dalawang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage na siyang patrona ng ahensya.
Sa panayam ng church-run Radio Veritas kay Shrine Rector Rev. Fr. Reynante Tolentino, hinikayat nito ang mga Pilipino na ipanalangin ang kapayapaan sa ating bansa at sa buong mundo.
“Kaya tayong lahat mga kapatid ay sama-sama na manalangin para sa kapayapaan ng ating bansa, ng buong mundo. Alam natin ‘yan kailangang-kailangan natin ng kapayapaan, lalung-lalo na ang kapayapaan na nagmumula kay Kristo na inihahatid sa atin ng Birhen ng Antipolo,” saad ni Fr. Tolentino.
Samantala, nagpasalamat naman ang PCG sa pangunguna ng Chief Chaplain nito na si Coast Guard Commodore Reverend Father Louie A. Palines sa Antipolo Cathedral.
Dagdag pa nito na layunin nila na makasama ng mga PCG personnel at officers ang Mahal na Birheng Maria sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin bilang gabay at patnubay.
Plano ng PCG Chaplain Service na iiikot ang isa sa mga imahen ng Mahal na Birheng Maria sa lahat ng mga kampo at himpilan ng PCG sa buong Pilipinas habang ang isa naman ay sisikaping madala ng PCG sa Kalayaan Island sa West Philippine Sea.