dzme1530.ph

PCG, magpapakalat ng mga tauhan sa beach resorts para sa Semana Santa

Magpapakalat ng pwersa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang beach resort sa bansa, upang bantayan ang mga magba-bakasyon sa Semana Santa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo na ang kanilang mga tauhan ay magsisilbing augmentation sa lifeguards.

Sila ay mag-iikot ikot sa mga isla upang tiyakin ang kaligtasan partikular ng mga mag-iisland hopping.

Binigyan na rin ng direktiba ang mismong mga beach resort na tiyaking ligtas ang mga bisita upang maiwasan ang anumang aksidente.

About The Author