Ikinagalak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) para sa recruitment ng 4,000 uniformed personnel ngayong taon.
Inaasahang makukumpleto ang nationwide recruitment para sa kabuuang bilang na 30,430 mga personnel.
Ayon kay Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu, ang dagdag na manpower ay magpapaigting at magpapatatag sa lakas ng PCG.
Sinabi ni Abu na ang mga bagong personnel ay itatalaga sa iba’t ibang PCG Stations at Substations, upang mapunan ang kakulangan ng mga tauhan sa mga baybayin ng mga munisipalidad sa bansa.
Ang naturang deployment ayon kay Commandant Abu ay magpapatatag sa kapabilidad ng PCG upang magampanan ang pamamahala sa karagatang saklaw ng Pilipinas. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News