dzme1530.ph

PCG, lalahok sa Balikatan exercises sa unang pagkakataon

Sa kauna-unahang pagkakataon, lalahok ang Philippine Coast Guard (PCG) sa 2024 Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Magsasagawa rin ang Philippines, US, Australian, at French ships ng joint sailing exercise sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Itinanggi naman ng Armed Forces of the Philippines na kumpirmahin kung ang mga barko ay dadaan sa China-occupied features sa West Philippine Sea, kabilang ang Panganiban Reef.

Sinabi ni 2024 Balikatan Exercises Executive Agent, Colonel Michael Logico, na ang dahilan ng pagsasagawa nila ng mga aktibidad ay upang ipakita ang kanilang kapabilidad, kasama ang PCG.

About The Author