Ipakakalat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 drones na mula sa Australian government para sa nalalapit na Semana Santa upang sanayin sa surveillance.
Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, ide-deploy ang mga drone sa high-density areas, na pupuntahan ng maraming mga tao.
Una nang itinurnover ang P34-M na halaga ng drones at operations training na donasyon ng Australian government sa Mariveles, Bataan.
Inaasahang palalakasin nito ang strategic maritime domain awareness capabilities ng PCG, at maabot ang operational demands ng ahensya.