dzme1530.ph

PCG, hinimok ang mga mangingisdang Pinoy na maglatag ng mga lambat sa Rozul Reef

Hinikayat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga Pilipinong mangingisda na maglatag ng kanilang mga lambat sa Rozul Reef, na kilala rin sa tawag na Iroquois Reef.

Sa gitna ito ng patuloy na pagpapanatili ng ahensya ng kanilang presensya sa lugar.

Kahapon ay nagsagawa ang PCG ng maritime patrol sa bisinidad ng Rozul Reef na 237 kilometers ang layo mula sa mainland Palawan, at nasa loob ng 200-nautical mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na noong Nov.28 ay nakatanggap sila ng impormasyon na hinarass ng People’s Liberation Army Navy helicopter ng China ang mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

Dahil dito, idineploy ng PCG ang dalawa nilang barko na BRP Melchora Aquino at BRP Cape Engaño upang tingnan ang mga apektadong mangingisda.

Nasa 20 namang Filipino fishing boats ang namonitor sa Rozul Reef. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author