dzme1530.ph

PBBM, walang personal communication line kay Chinese President Xi Jinping sa harap ng sigalot sa WPS

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala itong personal line of communication kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ay isang taon matapos imungkahi ng Pangulo sa pag-bisita sa China ang pagkakaroon ng hotline, na itong magtitiyak na makararating sa Chinese President ang mensahe kaugnay ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea.

Sa interview sa Australian Journalist na si Sarah Ferguson dito sa Australia, kinumpirma ni Marcos na hindi pa rin naitatatag ang personal hotline kay Xi.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na mayroon nang naitatag na ilang lebel ng komunikasyon sa ministerial at sub ministerial level.

Tiniyak naman ng Chief Executive na kanya nang naigiit kay Xi ang kanyang tungkuling ipagtanggol ang Pilipinas at ang teritoryo.

About The Author