dzme1530.ph

PBBM, walang nakikitang problema sa pagpapa-selfie ng ilang opisyal at law enforcers kay Alice Guo

“We are the selfie capital of the world”

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ng pagsasabing wala siyang nakikitang problema sa pagpapa-selfie ng ilang law enforcement personnel sa naarestong si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ambush interview sa Antipolo City, inihayag ng Pangulo na maaaring nais lamang ng mga opisyal na ipakita o ipagmalaking kasali sila sa pangkat na nakahuli kay Alice Guo

Mababatid na nabatikos ang pagpapa-selfie at pagpapakuha ng litrato ng ilang opisyal ng gobyerno kay Alice Guo kabilang na sina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil, kung saan makikita ang dating alkalde na nakangiti at naka-peace sign pa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author