dzme1530.ph

Pagkakaisa at Bayanihan sentro ng New Year’s Message nina PBBM at VP Sara

Sumentro sa pagkakaisa ang mensahe para sa Bagong Taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr para sa mga Pilipino ngayong 2023

Sa kanyang New Year’s Message, sinabi ng Pangulo na umaasa siyang dahil sa mga karanasan sa nakalipas na taon, huhugot ng tapang at inspirasyon ang bawat isa mula sa tunay na pagmamahal sa kapwa pilipino at sa bansa.

Binigyang-diin ng Pangulo na ngayon ang panahon upang ipakita ang tunay na Bayanihan Spirit para sa tuluyang pagbangon at sa mas maayos na pamumuhay ng bawat pamilyang pilipino.

Kumpiyansa ang Pangulo na sa pamamagitan ng pagiging matatag at patuloy na pagkakaisa ay malalagpasan ng bansa ang anumang hamong kaakibat ng bagong taon.

Sa pagharap ng mga hamon sa taong 2023, umaasa si Vice President Sara Duterte-Carpio na patuloy na tataglayin ng mga Pilipino ang katatagan, pagiging makabayan at ang Bayanihan Spirit.

Kasabay nito, nanawagan ang Pangalawang Pangulo sa publiko na ipagpatuloy ang kooperasyon para sa tuluyang pagbangon at pagpapatupad ng mga reporma sa gobyerno para sa kapakanan ng education sector, uniformed services, civilian personnel, frontline duty at most vulnerable communities.

Umaasa ang opisyal na ang walang sawang pagsisikap ng mga Pinoy ay magdudulot ng tagumpay sa bawat hakbangin ng gobyerno, maging sa business arena, agricultural sector at iba pang industriya.

Hinimok din nito ang mga pinoy na ipagpatuloy ang buhay na puno ng pagasa para sa ikabubuti ng lahat.

About The Author