Magpupulong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa kau-unahang trilateral US-Japan-Philippines Leaders’ Summit.
Itinakda ang Summit sa April 11 sa White House sa Washington DC, USA.
Ayon kay White House Press Secretary Karine Jean-Pierre, isusulong ng tatlong lider ang trilateral partnership, kasabay ng pagtalakay sa magkakaparehong pananaw sa demokrasya, at pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, bukas, at malayang Indo-Pacific region.
Pagtitibayin din ng tatlong bansa ang kanilang alyansa, at gayundin ang trilateral cooperation sa ekonomiya at teknolohiya, clean energy supply chains, at climate cooperation.
Ang makasaysayang trilateral summit ay idaraos sa harap ng lumalalang tensyon sa South China Sea.