Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makakahabol sa schedule ang Modernization Program ng Armed Forces of the Philippines.
Ito ay sa harap ng mga delay dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa sidelines ng graduation ceremony ng Philippine Army officer candidate course “Gaigmat” Class 58-2023 sa Taguig City, inihayag ng pangulo na maaaring sa loob ng isa o dalawang taon ay makahahabol na sila sa orihinal na schedule ng AFP Modernization.
Samantala, ibinahagi rin ng Commander-in-Chief na nakipag-usap ito sa commanders ng AFP at sa Chief of Staff kaugnay ng pagtugon sa mga pagsubok na kasalukuyang kinahaharap ng bansa.
Tinalakay din ang mga kagamitang kailangang i-procure o bilhin ng militar upang mapalakas ang external defense. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME news