Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatuloy ng kolaborasyon ng Pilipinas at Papua New Guinea sa agrikultura, kalakalan, at pangingisda.
Sa farewell call sa Malacañang, nagpasalamat ang Pangulo kay outgoing Papua New Guinea Ambassador Betty Palaso para sa kanyang ambag sa pagpapalakas ng bilateral relations ng dalawang bansa.
Kaugnay dito, umaasa si Marcos na ipagpapatuloy ng susunod na Ambassador ng Papua New Guinea ang pagsusulong ng ‘areas of cooperation’ ng dalawang bansa.
Sa kasalukuyan ay may apat na Philippine Water Fishing Companies ang nag-ooperate sa karagatan ng Papua New Guinea.
Samantala, nagpasalamat din si Marcos kay outgoing Swedish Ambassador Annika Thunborg para sa mga suportang ipinaabot ng Sweden.