Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa direksyon ng kapayapaan para sa Israel.
Ito ay sa harap ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.
Sa pakikipag-usap sa telepono kay Israeli President Isaac Herzog, inihayag ng Pangulo na ang Israel ay nananatiling isa sa mga pinagkakatiwalaang bilateral partners ng Pilipinas sa gitnang-silangan, kaakibat ng makasaysayang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Kaugnay dito, patuloy umanong pinatatatag ang ugnayan ng Pilipinas at Israel.
Nagpasalamat din si Marcos para sa pag-aaruga at pagtitiyak sa kaligtasan ng mga Pilipinong nagta-trabaho at naninirahan sa Israel. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News