dzme1530.ph

PBBM, tutugon sa hiling na pribadong pakikipag-usap kay VP Sara Duterte

Tutugon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hiling na pribadong pakikag-usap ni Vice President Sara Duterte, sa harap ng alitan nila ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, hinikayat ng Pangulo si VP Sara na huwag masyadong dibdibin ang isyu, dahil hindi rin masisisi ang kanyang maybahay na protective o ipinagtatanggol siya sa mga hindi magandang bahay na sinasabi sa kanya.

Sinabi pa ni Marcos na maaaring nauunawaan din ito ni VP Sara bilang isa rin siyang misis.

Kaugnay dito, naniniwala si Marcos na hindi ito makaa-apekto sa working relationship nila ng pangalawang pangulo bilang ito ring tumatayong Education Sec..

Kampante rin ang Pangulo na mapa-plantsa rin ang lahat ng isyu.

About The Author