dzme1530.ph

PBBM, tumangging ibahagi ang napag-usapan nila ni dating Pangulong Duterte sa pulong sa Malakanyang

Tumanggi si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ibahagi kung ano ang napag-usapan nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pulong sa Malakanyang noong nakaraang linggo.

Sa ambush interview sa Bulacan, inihayag ng Pangulo na tinalakay nila ni Duterte kung ano ang pinag-usapan nila ni Chinese President Xi Jinping sa China noong nakaraang buwan.

Gayunman, sinabi ni Marcos na may mga napag-usapan sina Duterte at Xi na kailangang manatiling confidential, kaya’t makabubuti kung mananatili na lamang ito sa kanilang dalawa.

Matatandaang sa kabila ng meeting nina Duterte at Xi, nagpatuloy pa rin ang china sa mga agresibong hakbang sa West Philippine Sea, pinakahuli ay ang water cannon incident o pagbubuga ng tubig ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal noong weekend. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author