Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Maynila na tuloy ang state visit ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa China sa January 3 hanggang 6.
Ayon sa embahada, on-going ang paghahanda, alinsunod sa plano at walang binago sa petsa sa kabila ng lumulobong kaso ng COVID-19 sa China.
Una nang inihayag ng Department Of Health (DOH) na walang dahilan para ipagpaliban ang biyahe ng Pangulo sa gitna ng Covid-19 Outbreak basta’t susundin ng delegasyon ang inirekomendang Health Protocol.
Magtutungo sa Beijing ang Punong Ehekutibo kasunod ng imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping.
Samantala, sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) na napakahalaga ng pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. para sa ekonomiya ng Pilipinas dahil ang China ang pinakamalapit na Economic at Trade Partner ng bansa sa mga nakalipas na taon.
Umaasa rin ang FFCCCII na sa pamamagitan ng State Visit ay magkakaroon ng progreso ang kinanselang Joint Oil and Gas Exploration Talks sa pagitan ng Pilipinas at China.