Nanumpa na sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Union Digital Bank President and Chief Executive Officer Henry Rhoel Aguda bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa social media post, nagpahayag si Pangulong Marcos ng kumpiyansa sa kakayahan ni Aguda na pamunuan ang departamento hanggang sa maabot ang goal na ma-modernize ang technological infrastructure ng bansa.
Sinabi ni Marcos na tiwala siya na mapabibilis ang digital transformation sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Aguda.
Ang appointment ni Aguda sa DICT, kapalit ni Ivan John Uy, ay una nang inanunsyo ng Malakanyang noong nakaraang linggo.