dzme1530.ph

PBBM, tiwalang kaya ng Pilipinas na maging no. 1 exporter ng niyog sa mundo

Naniniwala si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na kaya ng Pilipinas na maging no. 1 na exporter ng niyog sa buong mundo.

Sa pulong sa private sector advisory council-agriculture sector group sa Malacañang, tinalakay ang plano ng Philippine Coconut Authority (PCA) na magtanim ng 100 milyong puno ng niyog.

Ini-rekomenda rin ng PSAC ang paglulunsad at pagbuo ng road map para sa malawakang Coconut Tree Planting Program sa pamamagitan ng pagpapalakas ng seednut production, at gayundin ang pakikipagtulungan sa local salt farmers upang makakuha ng asin bilang fertilizers.

Sinabi naman ni Marcos na malaking oportunidad ito para maging no. 1 sa coconut exports ang bansa.

Kaugnay dito, tiniyak ng pangulo ang kaukulang pondo para sa Coconut-Tree Planting Program ng PCA.

About The Author