dzme1530.ph

PBBM, tiwala sa militar para sa ligtas na 2025 Bangsamoro Elections

Tiwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mababantayan ng Militar ang ligtas at tapat na pagdaraos ng 2025 Bangsamoro Parliament Elections.

Sa Talk to the Troops sa Philippine Army 6th Infantry Division sa Camp Brigadier General Gonzalo H. Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, inihayag ng Pangulo na ang paparating na Bangsamoro elections sa May 2025 ay magiging isang malaking hakbang sa pagkakamit ng makabuluhang awtonomiya at mapayapang Bangsamoro.

Sinabi rin ni Marcos na bilang peacekeepers, dapat kilalanin ng mga sundalo ang papel ng komunidad sa nation-building.

Kaugnay dito, naniniwala ang Commander-in-chief sa abilidad ng militar na bantayan ang halalan, at umaasa umano sa kanila ang buong sambayanang Pilipino.

Una nang tiniyak ng Pangulo ang tapat, maayos, at malinis na electoral process sa Bangsamoro Region.

About The Author