dzme1530.ph

PBBM, tiwala pa rin sa pamumuno ni Sec. Bonoan sa DPWH —Palasyo

Loading

Tiwala at kumpiyansa pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa liderato ni Sec. Manuel Bonoan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pahayag ito ni Palace press officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, sa kabila ng mga isyu sa flood control projects.

Sinabi rin ni Castro na hindi kasama ang DPWH sa mag-iimbestiga subalit magbibigay lamang ang ahensya ng mahahalagang records na may kinalaman sa mga proyekto.

Una nang nanawagan si Bacolod lone district Rep. Albee Benitez kay Bonoan na mag-leave of absence sa gitna ng imbestigasyon sa mga sumablay na flood control projects.

Tumugon naman ang kalihim na handa niya itong gawin kung kinakailangan.

About The Author