Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pananagutin nito ang mga responsable sa pagkamatay ng tatlong mangingisdang Pilipino sa ramming incident sa Bajo de Masinloc.
Ito ay kasabay ng pakikidalamhati ng Pangulo sa pagkasawi ng tatlong mangingisda.
Ayon kay Marcos, iniimbestigahan na ang insidente upang matukoy ang mga detalye sa nangyaring banggaan ng isang fishing boat at isang unidentified commercial vessel.
Bukod dito, chine-check na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng na-monitor na sasakyang pandagat sa lugar.
Sinabi naman ni Marcos na sa ngayon ay dapat munang hayaan ang PCG na gawin ang kanilang trabaho, at pinaiiwas din muna nito ang publiko sa paglalabas ng mga ispekulasyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News