Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakalatag ang mga hakbang ng gobyerno upang mapanatiling kontrolado ang inflation.
Ito ay kasabay ng pagmamalaki ng Pangulo sa naitalang 2.8% na inflation rate para sa buwan ng Enero, na pinaka-mababa simula noong Oktubre 2020.
Ayon kay Marcos, ang bumabang inflation ay ibinunga ng pagbagal ng food inflation na naitala lamang sa 3.3%.
Kaugnay dito, sinabi ng Pangulo na ang proactive measures tulad ng National Action Plan at Reactivation ng Task Force El Niño ay makatutulong na mapanatiling manageable ang inflation sa mga susunod na buwan, sa harap na rin ng epekto ng El Niño.
Magsisilbi ring tulay sa suplay ng pagkain ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa tulad ng kasunduan sa bigas sa Vietnam.
Ibinida rin ni Marcos ang ipinatupad na discount sa bill sa kuryente ng low-income households, alinsunod sa layuning ibsan ang kalbaryo ng mga Pilipino. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News