dzme1530.ph

PBBM, tiniyak na nakahanda ang tulong para sa mga Pilipino sa Taiwan sa harap ng malakas na lindol

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakahanda ang gobyerno na tulungan ang mga Pilipino sa Taiwan, kasunod ng tumamang magnitude 7.5 na lindol.

Sa post sa kaniyang X account, inihayag ng pangulo na kumikilos na ang Department of Migrant Workers upang siguruhin ang kaligtasan ng kabuuang 159,000 na Pilipino na kasalukuyang namamalagi sa Taiwan.

Kasabay nito’y sinabi ni Marcos na ang Pilipinas ay kaisa ng mamamayan ng taiwan sa pagpapakatatag matapos ang mapaminsalang lindol.

Sa ngayon ay wala pang napaulat na Pinoy na nasugatan o namatay sa pagyanig.

About The Author