![]()
May sapat na suplay ng krudo ang bansa hanggang June 30, 2026.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kasabay ng pagsasabi na patuloy pa rin ang paghahanap nila ng suplay.
Inatasan na rin ng Pangulo ang Department of Energy na huwag titigil sa paghahanap ng additional supply dahil walang nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang sitwasyon.
Idinagdag niya na ikinukunsidera na ng bansa ang alternative fuel sources mula sa Russia, Japan, China at South Korea.
Una na ring sinabi ng administrasyon na as of March 20, may sapat na suplay ng produktong petrolyo ang bansa para sa 45 days na pangangailangan.
Bukod dito, mayroon ding nakapending na procurement ang bansa ng dagdag na isang milyong bariles ng langis bilang buffer stock.
