dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang suporta sa bagong PNP Chief sa paglaban sa cybercrime, terorismo, at transnational crimes

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pakikipagtulungan ng administrasyon kay bagong PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil, sa paglaban sa mga umuusbong na banta tulad ng cybercrime, terorismo, at transnational crimes.

Sa kanyang talumpati sa change of command ceremony sa Camp Crame Quezon City, ipina-alala ng Pangulo na ang PNP ay hindi dapat makuntento sa mga napagtagumpayan na nito, at dapat patuloy itong magsumikap upang mas marami pa itong mapagwagian.

Kaugnay dito, tiniyak ng Pangulo na na kay Marbil ang buo niyang kumpyansa at suporta sa pagtataguyod sa pulisya na makadiyos, makabayan, makatao, at may malasakit sa kapaligiran.

Inatasan din itong panatilihin ang pinaka-mataas na standards ng propesyunalismo, at ibigay ang pinaka-magandang serbisyo sa mamamayan.

Ipinatitiyak din ng Pangulo na ang PNP ay magiging agents of progressive transformation.

About The Author