dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang patuloy na pag-protekta sa “purchasing power” ng mga Pilipino sa harap ng bumabang inflation

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patuloy na pag-protekta sa “purchasing power” ng mga Pilipino.

Ito ay sa harap ng bumabang inflation rate para sa buwan ng Hunyo, na umabot lamang sa 5.4% kumpara sa 6.1% noong Mayo.

Sa social media post, inihayag ng Pangulo na ang pagbaba ng inflation ay patunay na epektibo ang mga hakbang ng gobyerno upang palakasin ang ekonomiya at suportahan ang mga mamimili, manggagawa, at negosyante.

Kaugnay dito, tiniyak ni Marcos ang patuloy na pagtulong sa mga magsasaka upang mapalakas ang produksyon, na magreresulta sa pagbaba pa ng presyo ng mga bilihin.

Siniguro rin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang patuloy na paghanap ng mga solusyon para sa food security, pagbabawas ng gastos sa transport at logistics, at pagpapababa ng energy costs alinsunod sa commitment ng gobyerno na protektahan ang purchasing power ng publiko. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author