dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang pagtutok sa kapakanan ng mga guro kasabay ng pagbati para sa World Teacher’s Day

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtutok sa kapakanan ng mga guro sa bansa.

Ito ay kasabay ng pagpapaabot ng pagbati ng pangulo para sa World Teacher’s Day ngayong Oktubre a-5.

Sa Facebook post, kinilala ng Pangulo ang sakripisyo ng mga guro para sa kabataang Pilipino.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na hindi matutumbasan ang utang na loob sa kanila ng bansa.

Kasabay nito’y tiniyak din ng chief executive ang pagtutok sa kapakanan ng mga pamilya ng mga gurong Pilipino. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Maaaring larawan ng 1 tao at text na nagsasabing 'Happy World Teachers' Day BBM @bongbongmarcos @bongbong.marcos pbbm.com.ph'

About The Author