Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtugon ng Pilipinas laban sa bagong 10-dash line ng China sa South China Sea.
Sa ambush interview sa Palawan, inihayag ng Pangulo na reresponde sila sa lahat ng isyung may kaugnayan sa pagtatanggol ng territorial sovereignty at territorial rights.
Kasabay nito’y iginiit ni Marcos na dapat siguruhin na mananatiling bahagi ng Pilipinas ang Pag-Asa Island, na makikitang nasa loob ng 10-dash line.
Tiniyak din ng chief executive na patuloy silang sumasalig sa International Law partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea, na ito umanong nagpapatibay sa claims sa maritime territory, at suportado ito ng maraming bansa.
Matatandaang naghain na ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa 2023 edition na mapa ng China, kung saan mula sa 9-dash line sa South China Sea ay makikitang pinalawak na ito sa 10-dash line. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News