dzme1530.ph

PBBM tinapos ang state visit sa India na may $446M direct investments

Loading

Tinapos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state visit sa India sa pamamagitan ng mahigit apatnaraang milyong dolyar na direct investment pledges at pinagtibay na commitment para palawakin ang ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa press briefing bago lumipad pabalik sa Pilipinas, ibinida ni Pangulong Marcos ang $446 million na actual direct investments na bunga ng kanyang limang araw na biyahe.

Inaasahan din ng Pangulo na mas marami pang commitments mula sa potential investors ang susunod, na sa kanilang pagtaya ay aabot sa $5.7 billion.

Inilarawan ng Pangulo ang pagbisita nito sa India bilang bagong simula para sa ugnayan ng Pilipinas at India, at mas malinaw na ang mga posibilidad at linya ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Labintatlong kasunduan na sumasaklaw sa defense, maritime cooperation, agriculture, fintech, at cultural exchange ang nilagdaan ng Pilipinas at India, sa limang araw na state visit ni Pangulong Marcos.

About The Author