Tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang credentials ng bagong ambassador ng South Korea sa Pilipinas.
Iprinesenta ni South Korean Ambassador-Designate Lee Sang-Hwa sa pangulo ang kanyang letter of credence sa seremonya sa Malakanyang ngayong araw ng Lunes, Hulyo a-10.
Sa kanyang pahayag ay pinagtibay ni Lee ang commitment sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at South Korea, sa harap ng nakatakdang paggunita ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa sa susunod na taon.
Sinabi rin ng South Korean envoy na ang Pilipinas at South Korea ay maraming pagkakatulad, at kapwa nito itinataguyod ang demokrasya, kalayaan, at rule of law.
Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang matatag na bilateral ties sa South Korea, at umaasa itong gaganda pa sa lahat ng aspeto ang relasyon ng dalawang bansa.
Bago maitalagang ambassador sa Pilipinas, si Lee ay dating nagsilbing envoy ng South Korea sa Myanmar. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News