Tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 20,000 metric tons ng urea fertilizer na donasyon ng bansang China.
Dinaluhan mismo ng pangulo at ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang ceremonial turnover ng urea fertilizer sa NFA warehouse sa Malanday, Valenzuela City.
Sa kanyang talumpati, inihayag ng pangulo na tumatayo ring Agriculture Sec. na ang pagdating ng donasyong fertilizers ay nangyari kasabay ng komemorasyon ng ika-48 taon ng formal diplomatic relations ng Pilipinas at China.
Ang fertilizer ay ibibigay sa regional offices ng DA sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Bicol region.
Partikular itong ipagagamit sa mga magsasaka ng palay para sa layuning mapalakas ang produksyon ng bigas. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News