![]()
Handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-release ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa “proper authorities,” alinsunod sa proseso.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na nagsalita na ang Pangulo hinggil sa kahandaan nitong ipakita ang kanyang SALN, batay sa mga panuntunang itinakda ng Office of the Ombudsman.
Nakasaad din aniya sa rules na lahat ng requests para sa SALNs ay aaprubahan sa ilalim ng partikular na guidelines, at tutugon dito ang ehekutibo.
Gayunman, binigyang-diin ni Castro na hindi dapat gamitin ang SALNs nang walang habas o tila armas para sa political attacks o siraan ang mga opisyal ng gobyerno, gaya ng naunang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
