dzme1530.ph

PBBM, susubukan pa rin ang lahat upang ma-resolba ang sigalot sa China

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang subukan ang lahat ng paraan upang ma-resolba ang sigalot sa China.

Ayon sa Pangulo, handa siyang gamitin ang lahat ng uri ng contact o pakikipag-ugnayan sa China, ito man ay leaders’ level, ministerial o sub-ministerial, o private level.

Magiging pangunahing layunin umano ay ang matigili na ang mga agresibong aksyon ng China sa karagatan tulad ng paggamit ng water cannon at laser, at paglalagay ng barriers.

Isusulong din nito na payagan nang makapangisda ang Filipino fishermen.

Ang mga ito umano ang magiging daan sa mapayapang pag-resolba sa mga sigalot sa teritoryo, para sa ikabubuti ng magkabilang-bansa.

Samantala, sinabi rin ni Marcos na wala nang bago sa ipinatupad na fishing ban ng China sa South China Sea.

 

About The Author