dzme1530.ph

PBBM, suportado ang rightsizing sa PNP

Suportado ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang planong rightsizing sa Philippine National Police.

Sa 2nd PNP Command Conference sa Camp Crame Quezon City, inihayag ng pangulo na ang rightsizing sa mga tauhan ng PNP ay magiging daan para mawala ang redundant duties at functions o mga nagdo-dobleng trabaho.

Ito ay magiging kaakibat umano ng pagpapalakas ng mga programa at proyekto ng pulisya sa mga komunidad.

Sang-ayon naman dito si Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos, dahil mas mainam umano na nasa labas ang mga pulis sa halip na nasa opisina.

Nilinaw naman ni Abalos na walang mawawalan ng trabaho dahil irere-assign lamang ang mga pulis sa ibang tungkulin.

About The Author