dzme1530.ph

PBBM, suportado ang PCG matapos ang insidente sa WPS

Loading

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang suporta sa pagkuha ng mas maraming sasakyang pandagat para sa Philippine Coast Guard (PCG) upang mapalakas ang presensya at maprotektahan ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng pinakahuling insidente sa Escoda Shoal na kinasasangkutan ng mga barkong Tsino at mga mangingisdang Pilipino.

Kinondena ni Palace Press Officer Claire Castro ang insidente at sinabi na direktiba ng Pangulo na unahin ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino. Inatasan din ang pagde-deploy ng mga sasakyang pandagat sa mga strategic location upang magbantay at magbigay proteksyon sa kanila.

Samantala, inatasan na ang Department of Foreign Affairs na magsagawa ng nararapat na diplomatic response kaugnay ng insidente.

About The Author