dzme1530.ph

PBBM, sinusuri na ang niratipikahang ₱6.793-T 2026 national budget!

Loading

Masusi ng sinusuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at binuong staff ang niratipikahan ng kongreso kahapon na  ₱6.793-trillion national budget para sa fiscal year 2026.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, kahapon din natanggap nila ang enrolled copy ng 2026 General Appropriations Bill, na sumasailalim ngayon sa review para matiyak ang integridad at effective execution nito.

Dagdag pa ni Recto, sinusuri rin ng Pangulo ang lahat ng alokasyon at probisyon upang agad na maisaayos ang anumang pagbabago sa orihinal na isinumiteng national expenditure program.

Aniya, titiyakin ng Executive branch na ang 2026 GAA makatutugon pangangailangan ng bawat pilipino, bukod pa sa mga legal at technical requirements.

About The Author