Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos jr. Ang paglagda sa ₱12.75 billion pesos Public Private Partnership project concession agreement para sa Laguindingan International Airport sa Misamis Oriental.
Sa seremonya sa Malacañang ngayong lunes ng umaga, iginawad sa Aboitiz Infracapital inc. Ang kontrata para sa pag-upgrade ng pasilidad at expansion, operasyon, at maintenance ng Laguindingan Airport. Sa ilalim nito, mula sa 1.6 million pasahero kada taon ay itataas ang capacity ng airport sa hanggang 6.6 million passengers.
Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na ang pagpapaganda sa aiport ay nakikitang magpapalakas ng turismo, lilikha ng mga trabaho, at magpapasigla ng mga negosyo sa nothern mindanao.
Inatasan naman nito ang Dep’t of Transportation, Civil Aviation Authority of the Philippines, Public-Private Partnership Center, at iba pang kaukulang ahensya na tapusin at ipatupad ang lahat ng proyekto sa transportasyon. —ulat mula kay Harley Valbuena