Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang missile test ng BRP Antonio Luna sa karagatan ng San Antonio, Zambales.
Sakay ng BRP Davao Del Sur, pinanuod ng pangulo ang live surface to air missile test firing ng BRP Antonio Luna, na bahagi ng Philippine Navy Capability Demonstration.
Kasama ng pangulo sina Defense Officer-In-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., National Security Adviser Eduardo Año, at Navy Chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr..
Kabilang sa mga sinubukan ang mistral 3 sam, bullfighter chaff decoy countermeasure, at iba pang anti-air weapons.
Ang capability demonstration ay itinuturing ng navy bilang landmark activity dahil isa itong malaking hakbang tungo sa proteksyon at seguridad ng Pilipinas.
Samantala, tumanggap din ang pangulo ng honorary patches mula sa Philippine Navy. —sa ulat ni Harley Valbuena