Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kauna-unahang Amphibious Operations Exercise ng Pilipinas at Australia, sa ilalim ng Indo-Pacific Endeavor 2023.
Habang naka-pwesto sa NETDC Tower, pinanuod ng Pangulo ang iba’t ibang military drills sa Naval Station Leovigildo Gantioqui sa San Antonio, Zambales.
Bukod kay Marcos, dumalo rin sina Defense Sec. Gibo Teodoro, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., Australian Deputy Prime Minister at Defense Minister Richard Donald Marles, at iba pang opisyal.
Matatandaang ipinadala ng Australia ang pinakamalaki nitong warship na HMAS Canberra para sa Amphibious Exercise.
Ang joint military drills ay isinagawa sa harap ng nagpapatuloy na sigalot sa South China Sea, habang mababatid din na ang baybayin ng Zambales ay nakaharap sa direksyon ng West Philippine Sea. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News