Nakipagsanib-pwersa na rin sa Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Nacionalista Party ni Former Senate President Manny Villar.
Sinaksihan ng Pangulo ang Alliance Signing Ceremony sa Brittany Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig ngayong Huwebes ng umaga.
Nanguna sa signing sina PFP President Reynaldo Tamayo Jr., Nacionalista Party National Director Mark Villar, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Rep. Eleandro Madrona, at Rep. Ace Barbers.
Present din sina Sen. Cynthia Villar, Cong. Camille Villar, at iba pang miyembro ng magkabilang-partido.
Mababatid na una nang nakipagsanib-pwersa ang PFP sa Lakas – CMD, Nationalist People’s Coalition, at National Unity Party, sa harap ng paghahanda para sa 2025 midterm elections.