Hindi magko-komento si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isyu ng speakership sa kamara.
Ito ay matapos palitan si Pampanga Congresswoman at Former President Gloria Macapagal-Arroyo bilang house senior deputy speaker.
Sa 4th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines, inihayag ng pangulo na hindi siya magko-komento kaugnay ng house speakership, makaraan niyang pasalamatan si House Speaker Martin Romualdez matapos siya nitong ipakilala bilang guest of honor sa pagtitipon.
Matatandaang ipinalutang ni Arroyo na pinag-suspetsahan umano siya nang pagluluto ng kudeta sa Kamara.
Matapos ang pagpapalit kay Arroyo bilang House Senior Deputy Speaker, kaninang umaga ay biglang nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang chairperspon ng Lakas-CMD party. —sa ulat ni Harley Valbuena