Sang-ayon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtataas ng bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa San Simon, Pampanga, upang maiwasang maulit pa ang matagal na paghupa ng pagbahat tuwing may malakas na pag-ulan.
Sa situation briefing sa San Fernando City, inihayag ng Pangulo na maaaring pag-aralan ang pagkakaroon ng mga alternatibong ruta para sa maliliit na sasakyan na hindi kayang suungin ang mga baha.
Ito rin ang nakikitang solusyon upang maiwasan na ang matinding trapiko sa NLEX tuwing may pagbaha.
Nangako naman si former DPWH Sec. at current Metro Pacific Tollways Corp. President Rogelio Singson na aayusin nila ang sitwasyon sa NLEX.
Sa kabila nito, naniniwala ang Pangulo na medium-term o magiging panandaliang solusyon lamang ang planong pagtataas ng bahagi ng NLEX, at ang nakikita pa rin nitong pangmatagalang solusyon ay ang pagkakaroon ng water impounding system sa Pampanga. –sa ulat in Harley Valbuena, DZME News